Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santillan pinalitan si Pasaol

0 265

Ilang oras bago sumabak ang Gilas Pilipinas men’s team, nagdesisyon ang koponan na isalpak si Leonard ‘Santi’ Santillan bilang ikaapat na miyembro at samahan sina CJ Perez, Mo Tautuaa at Joshua Munzon sa 2021 International Basketball Federation 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Graz, Austria Miyerkoles ng gabi.

Pinalitan niya si Alvin Pasaol na hindi nakasama sa koponan dahil sa ‘health and safety protocols’

SM food to go Banner Ad

at wala sa kondisyon, ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas special assistant Paul Ryan Gregorio.

Nakatakdang simulan Miyerkoles ng gabi ng Pinoy squad ang kampanya sa Pool C kontra Qatar at Slovenia. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.