Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santo Papa may ayuda sa 39 marinong Pinoy

0 98

Nagbigay ng tulong si Pope Francis sa mga pamilya ng mga crew ng cargo ship na lumubog sa karagatang sakop ng Japan may isang buwan na ang nakaraan.

Base sa Vatican News, sa pamamagitan ng Dicastery for Promoting Integral Human Development ay nagpadala ng “economic contribution” ang Santo Papa sa mga pamilya ng mga crew member ng lumubog na barko.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naglalayag ang cargo ship mula New Zealand patungong China nang mangyari ang sakuna sa Sea of Japan habang kasagsagan ng isang bagyo.

Kabilang sa mga pinadalhan ng tulong ni Pope Francis ay ang mga pamilya ng 39 Pinoy, dalawang Australian at dalawang taga-New Zealand na nagsilbing mga crew ng cargo ship.

Leave A Reply

Your email address will not be published.