Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santo Tomas de Aquino, pangunahing pantas ng Simbahan!

0 144

Katakataka ang pagkahirang ng Simbahan kay Santo Tomas de Aquino bilang ‘Patron para sa Proteksiyon sa Kidlat’ dahil tanyag ang banal na pari at pantas ng Simbahan sa kanyang kontribusyon sa pagsasa-ayos ng mga doktrina at turo ng Iglesya Katolika.

Si Santo Tomas lamang ang nakapagpatunay kung paano magagamit ang mga prinsipyo ni Aristoteles. Ang tinaguriang ‘Angelic Doctor’ ang nagpatunay na hindi salungat, bagkus maaring gamitin ang Pilosopiya sa pagpapaliwanag ng doktrina ng Simbahan.

Kay Tomas naging posible ang pagbibigay ‘rason’ sa pananampalataya. Pinagtibay niyanv tunay na lingkod ng Teyolohiya ang Pilosopiya. Bilang isang makata inaawit parin ang kanyang mga panalangin hanggang sa kasalukuyang panahon sa liturhiya.

Ang dagdag na ‘d’Anquino’ sa kanyang pangalan ay nangangahulugang mula si Tomas sa isang marangal na pamilya. Nagmamay-ari sila ng isang kastilyo sa Roccasseca, bahaging timog ng Roma. Siyam silang magkakapatid sa pamilya at si Tomas ang bunsong anak na lalaki.

Matatagpuan sa kastilyo ng mga Aquino ang isang tore na nagsislbing ’nursery’ ng mga bata. Sa nasabing tore nanatili ang noo’y lamang taong gulaang na Tomas, kasama ang kanyang mas nakababatang kapatid na babae.

Isang maulang gabi, sa kalagitnaan ng malakas na bagyo, tinamaan ng kidlat ang kanyang katapatid sa nasabing tore at dahil rito ay nasawi. Hindi kailanman nalimutan ni Tomas ang tarahedyang nangyari.

Maaring sabihin na ang isang matalino at pinagpalang intelektuwal katulad ni Tomas ay madaling magbigay-katuwiran sa pagyayari. Gayunman, sadyang nag-iwan ng tatak kay Tomas ang traumatikong gabing iyon.

Maging sa pagtanda, sa unang hudyat ng kulog, nagtatatakbo si Santo Tomas sa loob ng Simbahan, buong takot na nananalangin haggang sa lumipas ang bagyo. Dahil sa katangi-tanging ugaling ito, kinilalang pintakasi si Santo Tomas laban sa kidlat.

Ngayong araw, Enero 28 ang PIsta ng dakila at pangunahing pantas ng Simbahan, Santo Tomas de Aquino.

Leave A Reply

Your email address will not be published.