Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santos, Almazan wow sa butataan

0 167

Sina Arwind Santos at Raymond Almazan ang blocks leaders sa kaagahan ng 46th Philippine Basketball Association 2021-22 Governors’ Cup elimination round.

Bago nahinto ang mga laro noong January 5 dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 infections, parehong nakakapagsumite ng 2.0 blocks per game ang dalawa.

Nasa NorthPort na si Santos, pinamigay ng San Miguel Beer para kay Vic Manuel bago ang season ending conference.

Si Almazan ang poste at pambulabog ng Meralco a gitna.

Walang talo sa dalawang laro ang Bolts, samantalang hindi pa makuha ng Batang Pier ang panalo sa apat na game.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Maamo rin ang kabit ng bola sa depensa nina NLEX import KJ McDaniels, Beermen big June Mar Fajardo at Ginebra frontliner Japeth Aguilar.

Nakakapagsumite si McDaniels ng 1.8 blocks per game, 1.6 bpg kay Fajardo at 1.5 bpg si Aguilar.

Nakalsuhan ang dating 4-0 start ng Road Warriors nang masilat sa Phoenix 102-93 noong Dec. 25. Inumpisahan ng SMB ang torneo sa 0-2 bago tinuhog ang tatlong panalo.

Luray ang Ginebra (3-1) sa Magnolia 117-94 sa Manila Clasico noong Christmas Day rin.

Abangers pa ang liga sa takbo ng COVID sa Metro Manila at wala pang katiyakan sa petsa para sa pagpapatuloy ng import reinforced conference. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.