Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santos bantay-sarado sa anak

0 238

Paniguradong mahihirapan ang sinumang magkakagusto sa dalagita ni Philippine Basketball Association star Arwind Santos ng San Miguel Beer na si Audrey.

Sa Instagram post ng Beerman forward Lunes, sinabi niya na ‘kargo’ niya ang kanyang anak sa kaarawan nito dahil alam niyang maraming manliligaw na.

“Parang kailan lang karga-karga lang kita dati. Ngayon kargo na kita dahil alam kong maraming manliligaw sa iyo,” sey ni Arwind.

Si Audrey ay nahihilig din sa basketball katulad ng kanyang ama.

At sa height na 5-foot-8, hindi malayo na maging matinik ito sa anumang sports na papasukin niya sa hinaharap. (Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.