Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santos, Baste sinuwag JRU

0 58

Mga laro sa Biyernes (Paco Arena)
12:00 nn – Perpetual Help Lady Altas vs Mapua Lady Cardinals
3:00 pm – Aguinaldo Lady Generals vs St. Benilde Lady Blazers

Pinasabog ni Katherine ‘Kat’ Santos ang 16 points sa 22 niya sa last three sets para 24-26, 19-25, 32-30, 25-5, 15-11 come-from-behind win ng San Sebastian Lady Stags kontra Jose Rizal Lady Bombers sa 97th National Collegiate Athletics Association women’s volleyball tournament eliminations sa sa Paco Arena sa Maynila Miyerkoles ng hapon.

Nakakumplutan ng bagitong alas ng Baste si Reyann Cañeta na umiskor ng 19 para sundan ang straight-set upset win sa defending three-time champion Arellano Lady Chiefs noong Sabado at umangat sa 3-1 win-loss mark sa pagsalo sa second spot.

Ang mga rumatsada pa sa Quiapo-based squad ay sina Christina Marasigan na naka- 15 pts. sa likod ng 14 attacks at 14 excellent digs, at Alexia Vea Sison na may 24 excellent sets para isalya ang JRU sa 2-2.

Babalik sa paluan ang mga kampon ni coach Rogelio ‘Roger’ Gorayeb sa sa Linggo kontra Perpetual Help Lady Altas, habang nasa daan ng JRU ang AU sa Sabado. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.