Abante Tonite Interactive

Santos-Cabagnot nilango ang Texters

By
1,234

Nagtulungan sina Arwind Santos at Alex Cabagnot sa fourth quarter upang tunggain ng San Miguel Beer ang three-game winning streak sa PBA Philippine Cup sa University of San Agustin Gym, Iloilo.

Kumayod si Santos ng pito sa kaniyang 15 puntos sa payoff period para tulungan ang Beermen na lasi­ngin ang TNT KaTropa, 88-76 at ilista ang 3-0 karta.

Namuno sa opensa para sa SMB si June Mar Fajardo na may 20 points, anim na rebounds at tatlong blocks habang bumakas si Ca­bagnot ng 11 markers at 12 rebounds.

Nag-ambag din si Marcio Lassiter ng 15 pts. at walong rebounds para sa SMB na ipinalasap sa Tropang Texters ang pangalawang talo sa tatlong laro.