Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santos ‘di papabebe

0 41

Desidido si Arwind Santos na hindi magpapa-bebe sa bago niyang PBA team, ang NorthPort.

Maliban sa veteran leadership sa court, pangangatawanan ng 40-year-old forward ang laro kung saan siya nakilala – opensa at depensa.

Isa sa pinakamainam na two-way player si Santos.

“Gusto kong magbigay ng malaking kontribusyon hindi lang sa opensa kundi pati sa opensa,” anang Spider-Man sa The Game nitong isang araw.“

Kung ano ang ginagawa dati sa San Miguel Beer, ‘yun din ang gagawin ni Santos sa Batang Pier.

“Hindi ako papayag na wala akong kontribusyon,” panapos ng basketbolista.

Magsisimulang drumibol ang 46th PBA 2021-22 Governors’ Cup sa December. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.