Abante Tonite Interactive

Santos, Diouf, Centro uugain uli ang Ateneo

187

Nakapuwing ang kulang na kulang sa taong CEU, sinorpresa ang heavyweight Cignal-Ateneo 77-74 Martes nang hapon para itabla sa tig-isang laro ang 9th PBA D-League Finals sa Ynares Sports Arena.

Balik ang magkatunggali para basagin ang pagkakabuhol mamaya sa parehong Pasig venue.

Pasabog ng 28 points, 10 rebounds at 3 assists si Jerome Santos para balikatin ang Scorpions.

“I think we’re able to redeem ourselves today. We’re able to show up in the championship game,” bulalas ni coach Derrick Pumaren, sinagad ang seven-man team sa depleted lineup.

Walang tigil ang motibasyon na ginawa ni Pumaren sa kanyang team.
“I told them to believe in themselves, that we can be in the same league as Ateneo,” aniya. “I’m just happy to see the fight and us compe-ting in this game.”

Ibang Scorpions ang nagpakita sa Game 2 kumpara sa opener ng best-of-five series.

Lumamang 65-55 ang Mendiola dribblers sa kalagitnaan ng fourth quarter, sumagot ng 14-4 run ang mga basketbolista ng Loyola para itabla sa 69 papasok ng last 2 minutes.

‘Di kinabog ang Scorpions, dinesisyunan ang resulta sa stripe nang ipasok ang anim sa walong charities. Dalawa ang ibinaon ni Franz Diaz para ilayo ang Centro 77-74, 10.1 seconds na lang. (Vladi Eduarte)