Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santos, iba pa may tampo kay Austria

0 229

May gustong linawin si Leo Austria sa isang bagay na ikinatampo aniya sa kanya ng San Miguel Beermen.

“Nagtatampo sa akin ‘yung players dahil sinasabi ko raw na matatanda na sila,” anang eight-time SMB champion coach.

“Wala akong sinabing ganu’n. Sabi ko, we’re not getting any younger so we have to have some backups dito sa mga veteran. Ang lumabas, mag-re-revamp ako kasi matatanda na.”

Pinabulaanan ni Austria ang naglabasang ulat na may napipintong overhaul ang SMB dahil nabigo silang depensahan ang Philippine Cup crown sa PBA bubble sa Pampanga.

Hanggang quarters lang sila.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Giniit niya na pareho pa rin ang starting five kabilang sina Arwind Santos, Chris Ross, Alex Cabagnot at Marcio Lassiter.

Edad 33 pataas na ang apat.

Spring chicken na nga na maituturing ang panlimang si June Mar Fajardo na nag-31 noong nakaraang buwan.

Sa April 30 ay 32 na rin si Mo Tautuaa, ang humalili sa sentro sa bubble habang nagpapagaling si Fajardo mula shin surgery.

“Ang sabi ko, core ko ‘yun pa rin. Sila ‘yung nakakakuha ng 35 minutes per game,” panapos na paglilinaw ng four-time Coach of the Year.

“Ang kailangan ko second unit, third unit, para hindi naman masunog ang first five ko.” (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.