Abante Tonite Interactive

Santos kinumpleto ang balikwas ng Zamboanga

248

Sinalpak ni Allan Santos ang isang floating jump shot sa last 2 seconds upang kumpletuhin ang pagtayo ng Zamboanga mula sa third quarter 11 points down, umeskapo kontra Bulacan 60-59 Huwebes sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.

Ang kabayanihan ni Santos ang lumagot sa kambal na kamalasan ng Family’s Brand Sardines na umangat ang baraha sa 2-3 win-loss kasabay sa pagputong back-to-back loss sa Kuyas na sumadsad ang kartada sa 3-3 sa 31-team cagefest.

Nakatapos si Santos ng 12 points, 8 rebounds, 2 asists at 1 block bilang nag-iisang may dobleng pigura sa starters ni coach Raymond Valenzona, panukli sa naka-16 markers sa 7 boards at 4 feeds off-the-bench na si Raffy Reyes.

Maari pang mabaligtad ang resulta, pero mintis ang jumper sa buzzer ni JR Taganas para sa Bulacan.