Abante Tonite Interactive

Santos naudlot sa 10K pts club

373

Halos abot kamay na ni Philippine Basketball Association (PBA) star Arwind Santos ng San Miguel Beer na mapabilang sa mahirap na masalihang 10,000 points club ngayong taon.

Pero nasuspinde at hindi pa malaman kung kailan makababalik ang 45th o 2020-2021 ng pro league matapos kanselahin ang mga laro ng Philippine Cup noong Marso 11 dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Kayang makamit ng do-it-all forward ng Beermen at 2012-13 Most Valuable sa loob ng isa o dalawang taon ang panibagong career highlight, pero sa dinaranas na krisis ng mundo, naunsiyami ang nalalapit niyang milestone.

Maging ang posibilidad na pagpasok ni two-time MVP James Carlos Yap Sr. ng Rain or Shine sa Magic 10 ng all-time scoring lists, at ni Mark Caguioa ng Barangay Ginebra San Miguel na nais pang umangat mula sa Top 15 matapos papirmahin pa ng isang taong kontrata.

Kailangang maghintay pa ng tatlong manlalaro para sa kanilang mga inaasam na record sa walang kasiguruhan pa kung kalian matatapos ang COVID-19 pandemic.

Kulang pa si Santos ng 700 puntos upang maging ika-16 na miyembro ng 10,000-point club.

Huling nagtala ang 38-anyos na Kapampangang produkto ng Far Eastern University Tamaraws ng magandang laro sa season-opening conference noong Mar. 8 sa 18 markers sa 94-78 panalo ng defending champion SMB kontra Magnolia Hotshots sa tatnging laro sa pagbukas ng liga.

Nakapagtala na si Santos ng 9,334 pts, lumapit kina No. 19 Arnulfo Tuadles (9,430), No. 18 Vergel Meneses (9,453) at No. 17 Manuel Victorino (9,596).

Pakay naman ni Yap, 28, at may bagong tatlong taong contract sa Elasto Painters na lampasan ang mga kapwa dating University of the East Red Warriors na sina Jerry Codinera at Allan Caidic sa all-time scoring.

Tumipon si Yap ng 376 puntos sa nakaraang taon para sa total ng 10,792, 76 puntos na kulang kay Codinera para sa No. 11. May 927 si Caidic na nasa No. 10. Nasa 15th place si Caguioa 10,071. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad