Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santos papanhik ng stage

0 118

Kahit may edad na, isa pa rin si Arwind Santos na hanep sa mga dumedepensa sa Philippine Basketball Association.

Pararangalan ang matikas pa ring 6-foot-4 ng PBA Press Corps bilang Defensive Player of the Year sa 2022 Awards Night sa Novotel Manila Araneta Center sa Quezon City sa Hunyo 21.

Ito na ang pangatlo niyang DPOY trophy kasunod noong 2011 at 2008 mula sa mga mamamahayag na regular na kumo-cover ng pro cage league.

Ang NorthPort veteran ang pangatlong player pa lang na nakatanggap ng gayung daming parangal makalipas nina Jean Marc Pingris at Chris Jackson.

Sa gulang na 41, siya na rin ang pinakamatandang kumuha ng nasabing award mula sa PBAPC, na ang kasalukuyang pangulo ay si Gerardo ‘Gerry’ Ramos ng Spin.ph. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.