Arwind pinaghanda si esmi

Hindi pinalagpas ni 2013 Philippine Basketball Association MVP Arwind Santos ang pagkakataon para iselebra ang kaarawan ng misis na si Ivette Gavieres-Santos.
Ibinahagi ng 39-year-old, 6-foot-4 San Miguel Beer forward sa kanyang social media account Huwebes ang naganap na handaan sa kanilang tahanan. Wala naman inimbitahang ibang tao ang pamilya Santos, nagdiwang nang sila-sila lang mag-anak.

“Happy, happy birthday smoothy ko @ivettesotnas29 mahal na mahal kita at ang wish ko lagi at ulit ngayon birthday mo ay maging malusog ka at masaya bawat araw.At gusto ko ring malaman mo na ikaw ang pinakamahalaga sa buhay ko. Love you more!” (Sarah Jireh Asido)