Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santos, SMB ‘Di papipigil

0 172

TEAM STANDINGS W L

TNT 5 0

Rain or Shine 4 1

San Miguel Beer 4 2

Barangay Ginebra 4 2

Alaska 5 3

Phoenix 4 3

Meralco 3 3

Blackwater 2 3

Magnolia 2 4

NorthPort 1 4

NLEX 2 5

Terrafirma 0 5

Mga laro ngayon (AUF gym):

10:00 am – Blackwater vs. SMB

1:00 pm – Phoenix vs. Terrafirma

4:00 pm – NorthPort vs. TNT

6:45 pm – Ginebra vs. Alaska

Smart Clark Giga City – Napuwersang mag-break ng apat na araw, naka-recharge ang 12 teams bago sumabak sa mas matinding bakbakan sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup sa Smart 5G-powered AUF Arena ngayon.

Nasuspinde ang mga laro noong Biyernes habang hinihintay ang bagong protocols ng IATF at DOH, balik-ensayo na rin ang teams.

“Good thing na rin ang nangyari beause nakapahinga mga player ko, especially those na naglaro ng heavy minutes in our last couple of games,” ani Leo Austria.

Nasagad sina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Mo Tautuaa, Chris Ross at Marcio Lassiter sa dalawang sunod na panalo ng Beermen na nag-angat sa kanila sa 4-2 para pagandahin ang paghahabol sa playoffs.

“Nagkaroon din kami ng team meetings para i-stress lang din sa kanila na this is no time to let up, to relax, dahil patindi na ng patindi labanan,” dagdag ng SMB coach. “For sure, lahat ng other teams ginamit din itong break para mas lalong makapaghanda na rin. We should be ready.”

Mapapasabak ang Beermen sa 2-3 Blackwater sa 10:00 am first game ng quadruple-header mamaya.

Galing two straight losses ang Elite bago may nag-positive na player pero sa confirmatory tests ay nag-negative din. Resulta ay dalawang laro nila ang kinansela. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.