Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Santos, Teng extended kontrata

0 371

Locked down din sa mother team niya sa PBA ang players na nag-expire o matatapos na ang kontrata ngayong 2020.

Siniguro ni commissioner Willie Marcial na hindi maiiwang nakabitin sa ere ang players, wala nang kailangang negosasyon na itatali sa kani-kanilang teams.

“Automatic extended ang kontrata ‘nung mga gusto ng teams nila,” paliwanag ni Marcial sa online PSA Forum kahapon. “Ang negotiations, sa January na, in-extend natin.”

Hanggang katapusan ng taon ang bisa ng automatic extension.

“Sinafety natin ‘yung suweldo na hanggang December 31 may makukuha,” dagdag ni Kume.

Kung hindi mapapapirma ang player, magiging free agent din ito. Kailangan lang ibigay ng teams sa PBA kung sinu-sino ang i-e-extend nila.

Base sa PBA website, ilan sa mga mapapaso na ang kontrata sa Aug. 31 ay sina Arwind Santos at Alex Cabagnot ng San Miguel Beer, at si Jeron Teng ng Alaska.

Magwawakas na rin ang deals nina Carl Bryan Cruz (Blackwater), Paolo Taha (NorthPort), Rome dela Rosa (Magnolia), John Pinto (Meralco), Nico Salva (Meralco), Dave Marcelo (Phoenix) at Jake Pascual (Phoenix).

Pinayagan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Diseases ang PBA na magpa-workout na, limang araw matapos magsimula ang ensayo ay kailangang may abiso na ang teams kung sino-sino ang i-e-extend. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.