Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanya, Bianca, Gabbi kabugan sa pagsikat

0 54

Sina Sanya Lopez, Bianca Umali, Gabbi Garcia at ang hindi ko pa kilala, at sigurado ang diva that you love, na hindi rin ako kilala ni Ysabel Ortega, ang apat na babaing ipoposte sa Kamuning Station bilang mga Sparkle.

Sa mga lalaking artista naman nila, ang mga magpapatigasan ng masel, magpapagalingan sa pag-arte at newly minted Kapuso leading men ay sina Khalil Ramos, Miguel Tanfelix, Derrick Monasterio at Ruru Madrid.

Ang paliwanag ni GMA Sparkle Consultant Johnny Manahan, ang mga ito ang may totoong X factor .Ready to shine like diamonds and more than ready for their close ups kaya sila ang mga bet na bet ni Mr. M.

Walang question kay Lopez. Kahit wala pa si Mr. M, umariba na ang kanyang karera sa “First Yaya” at ngayon nga “First Lady” na siya.

Ang under utilized na si Umali, ang bibida sa next installment ng ChiNoy drama anthology nila.

SM food to go Banner Ad

Si Garcia, kung may palabas siya sa telebisyon alam na nating lahat na sila-silang mga Kapuso lamang ang nanonood nito.

Si Ortega, yes oh yes, the WHO no more siya, agad-agad, lalo na nga’t ang dating Kapamilya starlet ang siyang magbibigay buhay kay Jamie Robinson sa inaabangan ng GenXers na “Voltes V Legacy”.

Si Khalil, sana pulos edgy roles ang kanyang gampanan tulad ng mga ginawa niya sa “2Coo2B4 gotten” at “Dead Kids.” Hindi natin kailangang sauluhin pa kung ano ang kaganapan sa show nila ni Garcia, ang “Love You Stranger.” Estranghero talaga siya, huh.

Ang hindi masyadong katangkarang si Miguel, aariba dahil sa anime turned live action show.

Si Derrick, pag siya natuto at naramdaman na ang husay sa pag-arte, may nagawa nga ang pixie dust na meron pa si Mr. M.

Si Ruru, dapat ipareha kay Bianca sa isang pangmalakasang romantic drama lalo na nga’t sa totoong buhay eh sila naman talaga, di ba? Hindi makakatulong para kumislap ang kanyang neither here nor there na karera kung ipapareha siyang muli sa ibang starlet na dalawa na ang anak tapos hiwalay pa sa asawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.