Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanya, Alfred sanib-puwersa sa Star Awards

0 135

RODEL FERNANDO: Handang-handa na ang Philippine Movie Press Club sa pagdiriwang ng 36th Star Awards For Movies. Dahil sa pandemya, idaraos ito sa pamamagitan ng virtual awarding na unang ginawa ng club simula nang mag-umpisang magbigay parangal ito mahigit tatlong dekada na ang nakakaraan. Magsisilbing hosts sina Sanya Lopez at Alfred Vargas. Sina Regine Velasquez- Alcasid, Jed Madela at Luke Mejares naman ang mga performer sa pagbibigay parangal na ito ng PMPC sa mga taong nasa harap at likod ng kamera sa mga pelikulang ipinalabas noong 2019.

Igagawad naman ang Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award sa veteran theater, film, at television actress na si Angie Ferro habang ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award ay ipagkakaloob sa seasoned master na si Direktor Elwood Perez na nagdiriwang ng ika-50 taon niya sa movie industry.

Ang 36th Star Awards for Movies ay handog ng Philippine Movie Press Club sa pangunguna ng kasalukuyang Presidente na si Roldan Castro sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines ni Chairperson Liza Dino-Suegerra at ng Wemsap ni Wilbert Tolentino. Ito’y sa direksiyon ni Pete Mariano.

Mapapanood ang kabuuang programa sa September 26 sa STV digital TV at RAD streaming platform ng alas-6 hanggang alas-9 ng gabi. Ipapalabas din ito ng alas-9 ng gabi sa iba’t-ibang online platform gaya ng PMPC Facebook page, FDCP Channel (Film Development Council of the Philippines, Abante Facebook Page, Abante Tonite Facebook Page, Beautederm Facebook Page,EuroTV Facebook Page, AbanteRadyo Tabloidista Facebook Page, ATC Channel 31 Online TV Network, Benny Andaya Official Account Facebook Page, Channel One Global, Channel One TV Movie Global at Mulat Media.

Sino kaya kina Bea Alonzo (Unbreakable),

Kathryn Bernardo (Hello, Love, Goodbye), Angie Ferro (Lola Igna), Sarah Geronimo (Unforgettable), Janine Gutierrez (Babae At Baril), Ruby Ruiz (Iska), Sylvia Sanchez (Jesusa), Judy Ann Santos (Mindanao)​​​

at Jodi Sta. Maria (Clarita) ang mananalong Best Actress? Abangan ang salpukan nila!

ROMMEL PLACENTE: Nakakatuwang malaman, na sa kabila ng pandemya, nagawa pa rin ng PMPC, sa pangunguna ng ating pangulo ,ang ka-Cuatros na si Roldan Castro na ituloy ang Star Awards For Movies,di ba? Excited na akong mapanood ito sa Sunday.

Ang isa rin sa inaabangang kategorya sa Star Awards For Movies ay ang Movie Actor of the Year.

Ang mga nominado rito ay sina Alden Richards (Hello Love Goodbye),Carlo Aquino (Isa Pa With Feelings),Gold Azeron (Metamorphosis), Louise Abuel (Edward), Elijaj Canlas (Kael,15),Jansen Magpusao (John Denver Trending),Julio Sabenorio ( Guerrero Dos,Tuloy Ang Laban) at Aga Muhlach (Miracle In Cell No.7)..Sino.kaya sa walong mahuhusay na aktor ang papalaring mag-uuwi ng tropeo?.Abangan at manood sa 36th Star Awards For Movies.

MILDRED A. BACUD:Nakakaiyak na nakakataba ng puso na sa kabila ng pinagdadanaan ng mundo dahil sa Covid ay pinipilit pa rin ng PMPC na ituloy ang ating awards night. Delayed na nga pero ika nga ” better late than never.”

Naging pahirapan ang pagkuha ng hosts na naintindihan naman natin dahil sa pandemya pero may mga ilang personalidad at artista pa rin talaga na magpaparamdam ng malasakit.

Salamat kina Cong. Alfred Vargas at Sanya Lopez. Ang aktres ay thankful naman sa nasabing club dahil bibihirang pagkakataon na mag-host siya ng isang awards night.

Mensahe niya sa PMPC, “” I’m so happy to be the host of this year’s Star Awards for Movies. It’s my dream and it did come true. Salamat PMPC for this opportunity. Ang mahanay ka sa mga bigating hosts ng past Star Awards ay malaking karangalan para sa akin. Thanks din Cong. Alfred Vargas for being my co-host para sa inaabangang event na ito. I enjoyed working again with you.”

ROLDAN CASTRO:Deklara naman ni Cong. Alfred, ” I’m honored and flattered na mapili na mag-host ng Star Awards. Institution na ang PMPC through the years at isang malaking karangalan ang i-host ito with none other than Ms. Sanya Lopez. Naalala ko tuloy ang Encantadia 1 and 2! “

Sina Sanya at Alfred din ang magiging hosts ng Star Awards For Music at TV sa Oktubre.

Hindi Pumayag ang PMPC na palampasin Ito. Kaya kahit mahirap, at sa tulong ng mga kaibigan ng club, muling magbabalik ang inyong Star Awards sa pamamagitan ng first ever virtual and digital broadcast.

Hindi matitibag ang aming organisyon dahil matatag ang aming pundasyon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.