Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanya ‘di bumitaw sa kamay ni Derrick

0 265

May nakaraan pala sina Sanya Lopez at Derrick Monasterio. Pero hindi naman ‘yung iniisip n’yo na romantic relationship though mapapaduda ka rin talaga na parang may naging ‘something’ sila.

Sa virtual mediacon ng Daig Kayo ng Lola Ko’s Oh My Oppa, ibinahagi nina Sanya at Derrick ang sweet moments nila habang ginagawa noon ang seryeng Half Sisters.

Ikinuwento nila kung gaano sila ka-close na dalawa dahil ilang beses na rin silang nagkasama sa mga proyekto. Sey nga ni Sanya, may time na naga-“I Love You” si Derrick sa kanya at nagho-holding hands sila na wala raw ibig sabihin.

Dito na itsinika ni Derric ‘yung time na ginagawa nila ang Half Sisters at magkatabi silang natulog sa isang tent ni Sanya.

“Natutulog tayo no’n sa may tent, magkatabi tayo ng chair,” sey ni Derek na ipinapaalala kay Sanya ang moment na ‘yun.

“Tapos wala lang, habang natutulog lang tayo, magkahawak na ‘yung hand natin. Ewan ko kung naaalala mo,” kuwento ni Derrick sabay tanong kay Sanya kung naaalala raw ba nito ‘yung insidenteng ‘yun.

Natatawang sabi ni Sanya, “tandang-tanda ko ‘yun Derrick dahil ikaw ang kauna-unahang gumawa sa akin nu’n.”

Dinugtungan na ni Sanya ang kwento ni Derrick.

“Actually, natutulog ako, nakakumot pa ‘ko, maya-maya may humahawak na sa kamay ko. Sabi ko, ‘huh?’”

Hirit naman ni Derrick, “pero hindi siya bumitaw, ha?”

Sey naman ni Sanya, “hindi na rin ako bumitaw. Sabi ko, ‘okay, fine.’” At nagtawanan sila.
Ang tanong, bakit hindi sila natuloy sa isang relasyon?

Si Derrick ang sumagot. “Kasi si Sanya, masyadong focused sa trabaho ‘yan, eh. Ganu’n. ‘Yun ‘yung priority ni Sanya, work. Workaholic na tao ‘yan, eh.”

Sabi naman ni Sanya, chill daw na tao si Derrick at masuwerte raw kung sinuman ang girlfriend nito ngayon.

Inamin naman ni Derrick na may nagpapasaya sa kanya ngayon habang si Sanya naman ay NBSB (no boyfriend since birth) pa rin.

Happy naman ang dalawa na muli silang nagkatrabaho sa Daig Kayo ng Lola Ko matapos ang pinagsamahan nilang Wild and Free noong 2018.

Kasalukuyang napapanood ang Oh My Oppa every Sundays, 7pm sa GMA-7. Kasama rin dito si Gil Cuerva bilang isa rin sa leading men ni Sanya.

Beauty ‘di sumipot sa kasal ni Ellen

Sa kanyang Instagram post idinaan ni Beauty Gonzalez ang pagbati sa kanyang BFF na si Ellen Adarna na as we all know ay ikinasal na nga witn Derek Ramsay last Thursday.

Sa kanyang post kahapon ay sinabi ni Beauty na hindi siya nakadalo sa kasal pero proud and happy siya for her daughter na siyang nag-represent sa kanya.

“I wasn’t able to attend last night but so happy my pretty baby @oliviainescrisologo was able to represent.🌸 She smiled and sashayed her way down the aisle with confidence and charm, I was a proud Mama,” ang parte ng post ni Beauty.

Pinuri rin niya ang wedding nina Derek at Ellen na mala-fairy tale. At perfect bride raw ang kanyang BFF.

“By all accounts the Wedding was overwhelmingly beautiful and romantic, the setting was a fairytale. And the Bride.. well, the Bride was Perfect,” she wrote.

Hindi na sinabi ni Beauty kung bakit hindi siya nakadalo pero mukhang beforehand ay naabisuhan naman na niya ang kaibigan.

Sa huli ay nagbigay ng mensahe si Beauty kay Ellen.

“Though i was not there with you last night. You know naman i will always be on your side, and by your side. Till death do us part. Love you @maria.elena.adarna,” mensahe ni Beauty.

Leave A Reply

Your email address will not be published.