Abante Tonite Interactive

Sanya, Gab naudlot ang relasyon

791

Allan Diones

Napaamin namin na naka-MU o mutual understanding ni Sanya Lopez ang baguhang Viva hunk at gumanap na younger brother ni Sam Milby sa hit Kapamil­ya series na “Halik” na si Gab Lagman.

Tahimik ang lovelife ni Sanya at sinasabi niyang hindi pa siya nagkaka-boyfriend, pero naging close pala sila ni Gab at naging running mates pa sila noon sa UP kung saan sila sabay na tumatakbo.

Abante Hiring – IT dep

May interview kay Gab na inamin nitong nanliligaw ito kay Sanya at gusto nito ang Kapuso actress.

Inamin sa amin ni Sanya na naging sweet sa kanya ang 6-footer na binata, pero hindi raw umabot sa pagiging boyfriend.

Pamangkin pala ng GMA-7 news anchor na si Mariz Umali si Gab at si Ms. Mariz ang nagsasabi noon kay Sanya na crush na crush ito ng binatang laking Amerika.

Ang sabi sa amin ni Sanya ay friends pa rin sila ni Gab pero base sa mga sagot niya ay tila naudlot ang pagkakamabutihan nilang dalawa.

Mukhang may nangyari o may natuklasan si Sanya, pero hindi namin siya mapaamin at very safe ang mga sagot niya.

Ang sey lang niya, may mga bagay na kailangang i-sacrifice. Siguro raw ay hindi pa handa si Gab at siya rin ay hindi pa handa na makipagrelasyon.
“Siguro, kung mahal ka talaga ng tao, ipaglalaban ka niya at maiintindihan ka niya sa lahat ng ginagawa mo,” bulalas ni Sanya na tila may hugot.

Hirit pa ng 22-anyos na dalaga, baka siya raw ang may problema dahil tutok siya sa trabaho. Magkaka-boyfriend lang daw siguro siya ‘pag naintindihan ‘yon ng lalaking mamahalin niya.

So, hindi na niya mahal si Gab?
“Wala pa naman po kami sa mahal-mahal. Pero wala po akong masasabi sa taong ‘yon. Mabait talaga siya at nag-effort talaga siya. Ipinakita niya kung ano ‘yung nararamdaman niya.”

At nahulog na rin siya kay Gab, ganern?
“Hindi ko po masabi kung nahulog na ba talaga ako. Hindi ko alam kung masasabi ko ‘yon. Ang importante, masaya ako. Hindi ko alam kung masaya siya ngayon,” sambit ni Sanya na tila may bahid ulit ng hugot.

Katwiran ng sexy sister ni Jak Roberto, “Kung gusto mo ako, patunayan mo. Kung hindi, bakit ko ipipilit ang sarili ko, ‘di ba? Ang matatawag kong love, ‘yung kayang mag-sacrifice for me.”
PAK!!
Mga 6 to 7 months din daw silang naging close ng 23-anyos na hunky model-actor. May pics pa raw si Gab sa cellphone niya, pero hindi raw siya hopia rito.

May mga bagay raw kasi na hindi nito maintindihan ngayon at hindi rin niya maibibigay ang oras na hinihingi nito sa kanya.

Hindi naman daw seloso si Gab, pero hindi nito kayang panoorin noon ang sexy movie nila ni Derrick Monasterio na “Wild & Free.”

Tinawagan daw siya ni Gab at maayos silang nakapag-usap. Hindi raw niya ito iniyakan dahil hindi raw siya umiiyak sa lalaki.

“Na-hot seat ako bigla! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Sanya, na nakahuntahan namin sa mediacon ng bagong Kapuso series na “Dahil sa Pag-ibig.”

Asawa ng OFW ang role dito ni Sanya, na ang mister na si Benjamin Alves ay inabuso ng isang Arabo sa Middle East.

May sexy scenes sila ni Ben at game naman si Sanya dahil trabaho raw ito. Ex niya rito si Pancho Magno na tutulungan siya sa kanyang problema, pero may kapalit dahil patay na patay ito sa kanya.

Kasama rin nila ang palabang si Winwyn Marquez sa “Dahil sa Pag-ibig” na mag-uumpisa na sa Lunes sa GMA Afternoon Prime sa direksyon ni Ricky Davao.

Jane gumaan ang buhay nang humiwalay kay Kyle

Si Jane Oineza pala ang nag-suggest sa Regal Films na kunin si Barbie Imperial para sa pelikulang “Finding You.”

Friends silang dalawa kaya si Jane mismo ang nagsabi kay Barbie na bagay dito ang role ng isa sa ex-girlfriends ng bidang lalaki na si Jerome Ponce.
Natuwa si Jane na tinanggap ito ni Barbie at nagkasundo ang Regal at Star Magic sa project.

Hindi raw issue sa kanilang dalawa kung mas malaki man ang role ni Jane dahil team daw sila at importante ang bawat isa sa cast para mabuo ang pelikula.

Single and happy raw ngayon si Jane na ang huling nobyo ay ang dating “PBB” housemate na si Kyle Secades. Focused siya sa career at sarili niya, wala raw siyang lovelife at hindi niya ito hinahanap.

Masarap at magaan daw ang buhay ng 22-anyos na Kapamilya actress ngayong wala siyang boyfriend.

In fairness ay mabenta si Jane sa mga pelikula ng Regal Films. Sabi ng direktor nilang si Easy Ferrer, mas romantic drama kesa romcom ang “Finding You” na sa May 29 ang showing sa mga sinehan nationwide.