Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanya, Gabbi inaabangan ang pompyangan

0 76

NI: Alwin Ignacio

Pinauusok ang balitang sina Gabbi Garcia at Sanya Lopez diumano ay bibida sa isang GL o girls love serye. Kung totoo ito, kaabang-abang talaga dahil ang huling pagsasama nina Garcia at Lopez ay bilang magkapatid na Sang’re sa “Encantadia” reboot.

Sa totoo lang, ang lesbian stories ay hindi masyadong tinatangkilik ng mga manonood. Ginawa na ito dati nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro sa “The Rich Man’s Daughter” na sumunod na palatuntunan putahe matapos ang “My Husband’s Lover” na gay drama Hindi mainit ang pagtanggap sa pagmamahalang Jade at Althea.

May mga tomboyan pelikula rin na pinagbidahan sina Jasmine Curtis Smith at Louise delos Reyes, ang “Baka Bukas”, “Ned’s Project” na pinagbidahan nina Angeli Bayani at Max Eigenmann at “Ang Huling ChaCha ni Anita”, nina Angel Aquino at Therese Malvar. Mga critically acclaimed pero pawang box office duds ang mga nasabing pelikula.

Ang pinakaprominteng GL serye na pinalabas sa YouTube ay ang “Pearl Next Door” pero hindi rin naging maigting at mainit ang pagtanggap dito kahit pa nga mula ito sa production team na gumawa sa “Gameboys.”

Sina Gabbi at Sanya na nga kaya ang magbubura sa rimarim at pagkatuliro ng damdamin ng mayorya? Tinatanggap ang kakaibang pagmamahalan ng mga lalaki sa kapwa nila lalaki pero ang babae sa babae ay isang hiwaga at misteryong ayaw nilang patulan at paniwalaan?

Naway hindi balitang kataka-taka ang GL serye na sina Gabbi at Sanya ang sinasabing magbibida. Kailangan sigurong mas engaging at relatable ang kanilang ihahaing kuwento para naman hindi ito maihanay sa mga nauna sa kanila na pawang mapait at masaklap ang kinahantungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.