Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanya ‘gaganti’ sa mga bully

0 67

NI: ROLDAN CASTRO

Bibilib kayo sa magic at mapupulot na aral na bagong episode ng Daig Kayo Ng Lola Ko na magsisimula ngayong Linggo, Agosto 7, 7:00 PM.

PHOTO COURTESY OF GMA Corpcom

Makikipaglaro sina Sanya Lopez, Ashley Ortega, Rodjun Cruz at Hannah Precillas sa #DKNLKMadalDolls!

PHOTO COURTESY OF GMA Corpcom

Makakasama sa daldalan sina Tina Paner, Crystal Paras, Vince Crisostomo, Lia Salvador, at Roxie Smith .

PHOTO COURTESY OF GMA Corpcom

May bagong kuwento ang DKNLK na paniguradong pag-uusapan .

Kung mahilig kayo sa manika siguradong magugustuhan niyo ang kuwento ni Rina (Lia Salvador) at ang kaibigan niyang doll na si Bubbles (Sanya Lopez).

Hindi papayag si Bubbles na apihin at ma-bully si Rina ng mga kasama niya sa kuwarto. Tiyak na igaganti niya ito.

Magiging problema ba ni Rina ang kanyang magical doll?

Tutukan tuwing Linggo ng gabi ang Daig Kayo Ng Lola Ko pagkatapos ng 24 Oras Weekend.

Leave A Reply

Your email address will not be published.