Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanya hindi ka-level ni Marian

0 172

NI: ARCHIE LIAO

Iniintriga ngayon ang Kapuso actress na si Sanya Lopez.

Siya kasi ang ipinalit kay Marian Rivera bilang lead actress sa teleseryeng “First Yaya” na makakasama si Gabby Concepcion.

Tailor-made talaga ang nasabing teleserye sa Kapuso primetime queen but for some reason, nag-back out ito dahil ayaw niyang mag-lock in taping.Inaalala niya kasi ang dalawang tsikiting niyang inaalagaan.

Aniya, ayaw niyang mawalay sa mga ito lalo na sa panahon ng pandemya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sey ng kibitzers, hindi raw ka-level ni Sanya si Marian dahil ilang beses pa lang daw ito nakakapagbida sa mga teleserye.

Hindi rin daw niya kaliga sina Heart Evangelista, Lovi Poe at Jennylyn Mercado na puwedeng pumalit.

Iyon namang launching movie raw niya na isang sexy drama ay isang malaking flop umano sa takilya.

Pagtatanggol naman ng iba, baka may nakita raw na malaking potensyal ang mga executive ng Kapuso channel kaya kay Sanya nila ipinagkatiwala ang role na tinanggihan ni Marian.

Ayon naman sa mga faney, bagay raw kay Sanya ang nasabing role kaya sa kanya napunta ang proyekto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.