Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanya inakit ni Pia

0 457

NI: ALWIN IGNACIO

Bago manlaki ang inyong mga mata at ngumisi ng pilyo, hindi pang girl on girl action ang dahilan kaya inaakit ni Pia Wurtzbach si Sanya Lopez.

Kumbinsido kasi si Wurtzbach na kay Lopez ang mga kinakailangan upang maging isang beauty queen. May pahayag pa nga si Queen Pia na talagang inaabangan niyang sumali si Sanya sa Miss Philippines Universe .Handa na niyang sanayin ang starlet na patungo na pagiging pangunahing bituin dahil nga sa panalong-panalong pagtanggap sa kanya bilang Yaya Melody sa primetime show na pinagbibidahan nila ni Gabby Concepcion.

Hindi naman kataka-taka kung bakit may pananalig ang Ms.U Pia natin kay Lopez. Kayumangging kaligatan skin tone, check. Gandang dalagang Pilipina, check na check. Kabogerang figure, busog-lusog ang susong dalaga, maliit ang bewang proportional ang balakang, triple check.

At ang cat walking at pagrampa in a bikini at long gown, mamaniin tiyak ni Sanya dahil sanay naman siya sa glamour photoshoots at dressing up for big events. Tiyak ding matalino ito kaya more chances of winning sa question and answer portion.

Walang duda na si Shaira Lenn Roberto ay isang perpektong simbolo ng isang bansang mayaman sa kasaysayan, kultura, pamana at pag-ibig.

With the stamp of approval and training of Pia Wurtzbach, Sanya Lopez is in it, to win it, yun ay kung hindi siya mag-iinarte at magmamaganda, huh!

Leave A Reply

Your email address will not be published.