Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanya inurirat ng ermat sa relasyon kay Gabby

0 248

Hindi pa rin maka-getover si Sanya Lopez sa kanyang leading man na si Gabby Concepcion. Kahit natapos na ang kanilang teleseryeng ‘First Yaya.’

Katunayan, ramdam pa rin daw niya ang kilig ng kanilang kissing scene ni Gabby sa finale ng kanilang show.

At dahil may sepanx sila sa pagwawakas ng series, napilitan silang mag-bonding kasama ang cast sa resthouse mismo ng aktor sa Batangas.

Iba raw kasi talaga ang namuong samahan nila sa serye.

Nang mag-guest si Sanya sa Mars Pa More, natanong siya ng mga host kung sino ang taong gusto niyang pagsilbihan.

Without batting an eyelash, sinabi niya na walang iba ito kundi si Gabby.

Gusto raw niya itong i-beybi lalo pa’t hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya rito.

“Siguro kasi nakita ko kung paano niya kami alagaan noong nagpunta kami sa Batangas. So grabe siya, hindi ka niya pababayaan talaga,” ani Sanya.

Speaking of her recently concluded teleserye, naloka raw siya sa ina nang tanungin siya nito kung sila na ni Gabo.

Napanood kasi ng mom niya ang final wedding scene nila na napaka-authentic.

“Ang una niyang tanong sa akin, ‘Kayo na ba?’ Sabi ko ‘Ma? Wait lang ‘Ma!’ Kasi ako dati sobrang crush na crush ko na talaga si Gabby Concepcion. Sabi niya sa akin ‘So ano ang feeling na na-kiss ka ni Gabby?’ Sabi ko ‘Mommy nakakakilig until now,’ kuwento ni Sanya.

SM food to go Banner Ad

Jodi keber na kay Claudine

Very private si Jodi Sta. Maria pagdating sa kanyang personal na buhay.

Kahit pa pumutok ang kanilang relasyon ni Raymart Santiago noong Setyembre ng nakaraang taon, nananatiling low profile siya pagdating sa kanyang lovelife.

Katunayan, maingat din siya sa pagpo-post sa kanyang Instagram account at never siyang nagbahagi ng lovey-dovey photos nila ni Raymart.

Kaya naman, mixed ang reaction ng mga netizen sa ibinahaging litrato ni Shaina Magdayao sa okasyon ng birthday ni Raymart kamakailan.

Sa photo, makikitang nakahilig si Jodi kay Raymart kasama si Shaina at ilan nilang mga kaibigan.

“Lumuwas ang probinsyana for this man,” pagbabahagi ni Shaina sa kanyang Instagram Stories.

Hirit ng kibitzers, lumantad na raw sina Raymart at Jodi sa kanilang relasyon.

Pang-iintriga naman ng iba, ano raw kayang ‘sey’ ni Claudine Barretto sa PDA ng dalawa?

Sa kaso ni Jodi, obserbasyon nila, tila keber na raw ito kay Claudine kaya pumayag itong magpakuha kasama si Raymart.

Leave A Reply

Your email address will not be published.