Abante Tonite Interactive

Sanya at Jak, GAYA-GAYA sa pag-iyak at pagtatampo

15

SIBLING goals kung maituturing sina Jak ­Roberto at Sanya Lopez.

Marami ang natutuwa sa pagiging close ng dalawa.

Bago sila sumikat, marami ang nag-akalang may relasyon sila dahil sa sweetness nila.

Marami ang nagbigay ng malisya at nagulat nang malamang magkapatid pala sila.

Pinakita nila sa isang panayam kung gaano sila ka-close nang gayahin nila ang pag-iyak at pagtatampo ng bawat isa. Nakakatawa ang panggagaya ni Jak kay Sanya dahil iniipit pa niya ang boses at maarteng pinupunasan ang luha.

***

Ngayong Linggo, isang istorya tungkol sa kabutihan at pagmamahal sa magulang ang ikukuwento ni Lola Goreng (Gloria Romero) na pagbibidahan ni Alden Richards sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Si Jessie (Alden Richards) ay isang masipag na magsasaka at mapagmahal sa kanyang Nanay Lydia (Rita Avila).

Isang araw ay mana­nakit ang mga tuhod ng ina at sasabihin ng albu­laryo na ang gamot ay isang klase ng tsaa mula sa pinakuluang dahon ng pansit-pansitan.

Ang mga dahong ito ay matatagpuan sa hardin ni Dante Higante (Roi Vinzon) na ayon sa mga tao ay masama at hindi tumatanggap ng mga bisita.

Kasama ang kaibi­gang si Obed (Vince Gamad), pupunta sina Jessie sa hardin ni Dante para subukang humingi ng dahon ng pansit-pansitan, pero tinakot sila ng ­higante at pinaalis.

Babalik ulit sila at nagdesisyon si Obed na magnakaw na lang ng mga dahon kahit labag sa kalooban ni Jessie.

Sa kasamaang-palad ay mahuhuli sila ni Dante at kukunin si Jessie.

Anong gagawin ni Dante kay Jessie? Makatakas pa kaya siya para magamot ang ina?

Abangan ang Daig Kayo Ng Lola Ko nga­yong Linggo pagkatapos ng All Star Videoke sa GMA-7.

***

Malaking bahagi ng kuwento ng telefantas­yang Super Ma’am ni Marian Rivera ang Tamawo, isa sa mythical creatures sa Philippine Folklore.

Magandang ino-offer ito ng Kapuso Network sa new generation dahil sa ganitong paraan ay hindi ito mabaon sa limot.

Sa serye, kakalabanin ni Super Ma’am ang mga Tamawo.

Anong klaseng nila­lang ba sila at bakit sila ang kaaway ng maka­bagong superhero?

Sa September 18 magsisimula ang Super Ma’am sa GMA Telebabad.

Bongga na sa National Teachers’ Month ipapalabas ito, huh?! Kudos sa GMA Network na tribute ang serye sa mga masisipag at dedicated na guro.