Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanya kinabog si Maja

0 163

NI: ARCHIE LIAO

Nanalo si Sanya ng Top Celebrity award sa katatapos na TikTok awards 2021 na idinaos kamakailan.

Kinabog ni Sanya ang ilang pang TikTokers na nominado sa nasabing award-giving body na sina Ella Cruz, Sofia Pablo, Maymay Entrata, Donnalyn Bartolome, Awra, Miguel Tanflix at maging si Maja Salvador.

Sa kanya namang Instagram account, nagpasalamat si Sanya sa lahat ng tiktokerists.

Bumaha naman ng congratulatory messages sa Instagram account ng aktres mula sa netizens at sa kanyang First Yaya family tulad nina Maxine Medina at Kakai Bautista.

Sa kasalukuyan, mayroong higit 10 million followers si Sanya sa nasabing social media platform.

Leave A Reply

Your email address will not be published.