Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanya kwidaw sa kamandag ni Gabo

0 930

NI: ARCHIE LIAO

Itinuturing na angat si Gabby Concepcion sa kanyang mga kapanabayan. Nananatili siyang ‘papable’ leading man sa kasalukuyan.

Sa kabila ng kanyang edad, na-maintain kasi niya ang kanyang youthful aura na masasabing kanyang bentahe.

Kaya naman sa kanyang pagganap bilang President Glenn Acosta sa First Yaya, marami ang kinikilig sa kanya kabilang na ang millennials.

Katunayan, sey ng mga netizen, may kakaibang chemistry ang tambalan nila ni Sanya Lopez.

Speaking of Sanya, marami ang napa-wow sa kanyang kaseksihan nang mag-post siya ng bikini photos na may caption na “Let the sea set you free.”

Perfect pampa-good vibes daw sa summer ang kanyang beach getaway na kuha sa Batangas resort ng co-star at First Yaya leading man na si Gabby Concepcion.

Hindi rin nakaligtas sa mga kate-katera ang pagbibilad ng katawan ng Kapuso actress sa resort ni Gabo.

Kaya naman may ilang kibitzers na pinag-iingat si Sanya sa kamandag ni Gabo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.