Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanya ‘naagaw’ ang trono ni Marian

0 745

NI: ALWIN IGNACIO

Panalong-panalo ang pa-two piece red bikini moment ni Sanya Lopez sa “First Yaya,” huh!

Ito ang trending topic na damang-dama talaga king bakit pumainlanlang sa pangmalakasang spot kasi well-executed at directed.

Ang galing nu’ng shots sa mga on looker sa kanyang pagrampa, ang pagbagsak ng panga nina Cai Cortez at Kakai Bautista, ang pagkabigla ni Ms. Pilar Pilapil, ang paghanga pero may alinlangang look ni Gabby Concpecion, ang ngitngit ni Maxine Medina, at siyempre pa ang jaw drop ni Pancho Magalona.

At ang diva that you love, nabaliw na ito palang si Magno, kapag si Concepcion ang kasama sa isang eksena, nararamdaman mo bigla. Hindi na siya lalaking kamoteng kahoy! Nakaka-arte pala siya pag si Papa Gabby ang ka-eksena. Ang savage! Hahaha!

And what makes the scene a TV jewel indeed eh ang performance ni Sanya. Sugar and spice and all that is nice to perfection. Panalo rin ang kanyang no make-up, make-up look. Yun parang ni walang hint of powder whatsoever sa mukha pero may glow at natural freshness. At ang kanyang alindog at kurbada eh talaga namang best asset niya pala. Ayaw ngang paawat ng pag-alog ng kanyangsusong dalaga na parang gustong kumawaa sa brassiere ng bikining saplot niya. No wonder marami ang hooked at sumasabaybay sa “First Yaya.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang mga culturati at so-jo(sosyal na jolog) amused at amazed sa show at pakiwari nila eh comparable ito sa Korean romantic comedies. Sina Aling Tacing, Mang Victor at the rest of the descamisados, aspirational at inspirational ang modern day Cinderellla tale na ito.

Dahil sa “First Yaya,” graduate na si Sanya Lopez from being a starlet to a TV star. At welcome addition ang pagiging istariray niya, sa true lang.

Bukod sa ‘First Yaya’ partner din siya ni Bong Revilla sa seryeng ‘Agimat ng Agila’. Dalawa na ang magiging teleserye niya.

May nagtanong tuloy kung tanggap ba niya na ituring siyang bagong Kapuso Primetime Queen o kaya ay Primetime Princess? Naagaw na ba niya ang titulo ni Marian Rivera?

Ayon sa aktres hindi niya nilalagay sa isip niya ang mga title na ‘yan dahil feeling niya ay marami pa siyang dapat matutunan. Pero nagpapasalamat siya kung ‘yun ang itatawag sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.