Abante Tonite Interactive

Sanya, nagagalingan kay Thea

28
Thea Tolentino
Thea Tolentino

Natsa-challenge si Sanya Lopez sa co-star niya sa Haplos na si Thea Tolentino dahil sa galing nito sa acting.

Napansin na niya ito simula nang magkatrabaho sila sa The Half Sisters.

Isa ito sa mga inspirasyon niya para mas paghusayan pa ang pag-arte niya.

Sinabi rin ni Sanya na kung anong ikinasama ng ugali ng karakter ni Thea sa serye ay kabaligtaran ang ugali nito in real life.

Mabilis silang nagkasundo ng aktres.

“Nakakatuwa ‘yung samahan namin. Makaka-vibes mo siya kaagad. Siya ‘yung unang nag-a-approach.

“Siya ‘yung unang gagawa or maghahanap ng topic na pagkukuwentuhan ninyo,” paglala­rawan niya sa kanyang kapwa aktres.

***

Sunshine at Gabby
Sunshine at Gabby

NAKATANGGAP ng commendation letter ang mga namamahala, cast, at crew ng Ika-6 Na Utos mula kay Atty. Felipe L. Gozon, Chairman and CEO ng GMA Network dahil sa husay ng programa.

Pinasalamatan ni FLG ang sipag at tiyaga na ibinibigay ng buong produksyon para sa programa at kinilala ang tagumpay ng show bilang unang panghapong serye na napapanood mula Lunes hanggang Sabado.

Ayon pa sa sulat ni FLG, “Your dominance in the timeslot has likewise boosted our overall lead against competition…

“You have made history by being the first-ever drama series on Philippine television to extend to Saturday telecast.”

Bukod pa rito, pi­nuri rin niya ang Ika-6 Na Utos sa pananatiling relatable sa kanilang viewers, na dahilan kaya lagi silang tinututukan.

Ihinuli ng GMA executive sa kanyang sulat ang isang madamdaming “Congratulations for a job well done!”

Ang Ika-6 Na Utos ay pinangungunahan nina Sunshine Dizon, Gabby Concepcion, at Ryza Cenon.

***

Narito ang pahayag ng SPEED kaugnay sa pagpanaw ni Tito ALFIE LORENZO:

“WE, members of the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED), join the industry in mourning the passing of columnist/talent manager Alfie Lorenzo.

“Lorenzo is one of the pioneers of entertainment journalism in the country and has become an icon to most writers like us.

“He was a dear friend and colleague whose insights in the movie and television production were invaluable in the development of the movie/TV industry in the country.

“SPEED condoles with the surviving family of Alfie Lorenzo.”

***

Excited sina Tio Paeng at Marimar de Sampaloc sa Mr. Powers Bachelor 2017 na gaganapin sa Biyernes ng 8:00 PM sa Starlites Bar, 5 Westpoint St., Cubao, QC.

40 Bachelors ang magkakabugan sa korona ng bi-pageantry na ito, kung saan P15K ang cash prize sa title holder.

P10K ang nakalaan sa 1st runner-up; P7K para sa 2nd runner-up; P6K para sa 3rd runner-up; at P5K para sa 4th runner-up.

Iho-host ito nina Rx Sytangco at Gian Carlo David Ocampo.

ORGANizers nito sina Glen ‘Blue’ Recierdo at Trajan Louis Perez de la Vega.

***

Maski si Direk Lucas Mercado ay na-curious kung ano bang meron sa all-male bikini show na PasaVogue 2: Sa Bawat Haplos last Saturday sa The Music Hall, Metro­walk, Pasig City.

Sa direksyon ni Jeffrey Gonzales, nakaka-Ella Cruz ‘yung ‘Haplos’ segment pero wala pong kulam-kulam doon, huh?!

Pinaka-PasaVogue Ng Gabi si Amir Reyes (ng Sta. Cruz, Laguna), na kailan lang ay nagwagi rin sa bikini contest na Beyond Naked Buddies 2 sa The Music Hall.

Sa opening ay ibinu­yangyang ni Venz Wayland ang kanyang kadakilaan.

No wonder, napanganga si Leklek Tumalad alyas Virginia Pakokak.

Si Mark Rocel Manansala Mallari, hindi sinasad­yang nag-hello ang betlog.

Ang iba pang Pasa­Vogue Boys, pasiklaban sa pagkanyod at pagkad­yot.

Halos mabuntis ‘yung dalawang hagdan sa entablado.