Abante Tonite Interactive

Sanya pinagdasal ang kaligtasan sa krisis

997

NI: ROLDAN CASTRO

Ibinahagi ni Sanya Lopez ang panalangin niya ngayong nasa ilalim ang Luzon ng enhanced community quarantine.

Aniya, “I pray for my family’s safety, kasama na rin po diyan ‘yung safety ng ating mga kababayan, lalo na sa krisis na nararanasan natin ngayon. I hope kapag natapos na po ito ay may matutunan tayong magandang aral sa karanasan nating ito.”

Samantala, tampok ang boses ni Sanya bilang Mary Magdalene sa “Jesus, His Life” ngayong Sabado de Gloria, 3PM sa GMA-7.

Dagdag na paalala ng aktres, “Ngayong Semana Santa, sana sa kabila ng mga nangyayari sa atin ay magbigay po tayo ng time para magdasal at magpasalamat sa Panginoon para sa lahat ng blessings at sakripisyo niya para sa atin. Have a blessed Holy Week po and stay safe.”

Tonite – Wendys Inhouse Ad