Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sanya pumiyok sa OA akting

0 1,238

Sa kanyang latest YouTube vlog ay nag-react si Sanya Lopez sa mga basher na pumupuna sa acting niya sa serye nila ni Gabby Concepcion na First Yaya sa GMA-7.

At the same time ay nagpasalamat naman siya sa mga pumupuri at nagagandahan sa show.

May titulong “Reaction Ko Sa Mga Reaction Nila!!!” ani Sanya ay nagkaroon daw siya ng oras na makapagbasa ng mga comment ng viewers sa First Yaya at magre-react din daw siya sa mga ito.

May isang agaw-pansing komento kung saan ay tinawag ng netizen na OA si Sanya.

“Ang O.A. naman… di man lang mahatak heart kung manood niyan di gaya dun dati sa be careful with my heart gang ngayon pinapanood ko pa din khit paulit…” ang komento ng netizen.

Kaaliw ang reaksyon ni Sanya habang binabasa ‘yung part na “OA”. Napalaki talaga ang mata niya although naka-smile naman siya. Pagkatapos ay maayos na ipinaliwanag na iba naman daw ang First Yaya sa dating ABS-CBN serye.

“’Yung Be Careful With My Heart po, alam ko, balita ko na napakaganda ng teleserye na ‘yan pero uunahan po namin kayo na ang First Yaya po at Be Careful With My Heart ay magkaibang-magkaiba po. Sana later on magustuhan mo rin ang First Yaya,” sagot ni Sanya.

Pero mas marami pa rin naman ang positibo kaysa negatibong komento at mas marami ang pumuri sa kanyang acting bilang si Yaya Melody. Ang iba ay kino-congratulate ang buong cast for doing a great job.

“Thank you, habang ginagawa namin ‘to talagang tinodo namin lahat ng kaya namin, lahat ng powers. Pero seryoso, binigay namin ang best namin para mas mapaganda itong show na ‘to dahil alam naman natin na sa dami ng pinagdadaanan natin sa buhay, importante na maging masaya tayo. Kahit na sa ganitong paraan, sana po ay naging masaya kayo pansamantala dahil sa First Yaya,” she said.

May mga nagkomento rin na sobrang nakakatuwa raw si Sanya as Yaya Melody at nakakatanggal daw ito ng stress.

Sobrang happy naman si Sanya sa mga papuring natanggap. Hindi raw niya akalain na magiging ganito kaganda ang pagtanggap ng mga tao kay Yaya Melody.

@@@

Kim inintriga ang pagkawala sa ‘Showtime’

Nagpahayag ng pag-aalala ang mga fan ni Kim Chiu dahil dalawang araw na siyang hindi napapanood sa It’s Showtime. Huling appearance ng aktres sa noontime show ay last Thursday (April 15) nang magbalik-live sila. Hindi na siya napanood ng Friday at Saturday.

Kahapon ay nag-post si Kim sa kanyang Instagram account ng isang mahabang mensahe at tila may hugot ang aktres.

“𝖸𝗈𝗎 𝗇𝖾𝗏𝖾𝗋 𝗋𝖾𝖺𝗅𝗅𝗒 𝗄𝗇𝗈𝗐 𝗍𝗁𝖾 𝗍𝗋𝗎𝖾 𝗂𝗆𝗉𝖺𝖼𝗍 𝗒𝗈𝗎 𝗁𝖺𝗏𝖾 𝗈𝗇 𝗍𝗁𝗈𝗌𝖾 𝖺𝗋𝗈𝗎𝗇𝖽 𝗒𝗈𝗎. 𝖸𝗈𝗎 𝗇𝖾𝗏𝖾𝗋 𝗄𝗇𝗈𝗐 𝗁𝗈𝗐 𝗆𝗎𝖼𝗁 𝗌𝗈𝗆𝖾𝗈𝗇𝖾 𝗇𝖾𝖾𝖽𝖾𝖽 t𝗁𝖺𝗍 𝗌𝗆𝗂𝗅𝖾 𝗒𝗈𝗎 𝗀𝖺𝗏𝖾 𝗍𝗁𝖾𝗆. 𝖸𝗈𝗎 𝗇𝖾𝗏𝖾𝗋 𝗄𝗇𝗈𝗐 𝗁𝗈𝗐 𝗆𝗎𝖼𝗁 𝗒𝗈𝗎𝗋 𝗄𝗂𝗇𝖽𝗇𝖾𝗌𝗌 𝗍𝗎𝗋𝗇𝖾𝖽 𝗌𝗈𝗆𝖾𝗈𝗇𝖾’𝗌 𝖾𝗇𝗍𝗂𝗋𝖾 𝗅𝗂𝖿𝖾 𝖺𝗋𝗈𝗎𝗇𝖽.

“𝖸𝗈𝗎 𝗇𝖾𝗏𝖾𝗋 𝗄𝗇𝗈𝗐 𝗁𝗈𝗐 𝗆𝗎𝖼𝗁 𝗌𝗈𝗆𝖾𝗈𝗇𝖾 𝗇𝖾𝖾𝖽𝖾𝖽 𝗍𝗁𝖺𝗍 𝗅𝗈𝗇𝗀 𝗁𝗎𝗀 𝗈𝗋 𝖽𝖾𝖾𝗉 𝗍𝖺𝗅𝗄. 𝖲𝗈 𝖽𝗈𝗇’𝗍 𝗐𝖺𝗂𝗍 𝗍𝗈 𝖻𝖾 𝗄𝗂𝗇𝖽. 𝖣𝗈𝗇’𝗍 𝗐𝖺𝗂𝗍 𝖿𝗈𝗋 𝗌𝗈𝗆𝖾𝗈𝗇𝖾 𝖾𝗅𝗌𝖾 𝗍𝗈 𝖻𝖾 𝗄𝗂𝗇𝖽 𝖿𝗂𝗋𝗌𝗍. 𝖣𝗈𝗇’𝗍 𝗐𝖺𝗂𝗍 𝖿𝗈𝗋 𝖻𝖾𝗍𝗍𝖾𝗋 𝖼𝗂𝗋𝖼𝗎𝗆𝗌𝗍𝖺𝗇𝖼𝖾𝗌 𝗈𝗋 𝖿𝗈𝗋 𝗌𝗈𝗆𝖾𝗈𝗇𝖾 𝗍𝗈 𝖼𝗁𝖺𝗇𝗀𝖾. 𝖩𝖴𝖲𝖳.𝖡𝖤.𝖪𝖨𝖭𝖣 𝖻𝖾𝖼𝖺𝗎𝗌𝖾 𝗒𝗈𝗎 𝗇𝖾𝗏𝖾𝗋 𝗄𝗇𝗈𝗐 𝗁𝗈𝗐 𝗆𝗎𝖼𝗁 𝗌𝗈𝗆𝖾𝗈𝗇𝖾 𝗇𝖾𝖾𝖽𝗌 𝗂𝗍.

“Happy weekend everyone!!!” ang mensahe ni Kim.

Sa comment section ay sunod-sunod ang tanong ng kanyang followers kung bakit ilang araw na siyang wala sa noontime show. Anila ay miss na miss na raw nila ang aktres. Nagpahayag din sila ng pag-aalala at tinatanong kung ok lang daw ba si Chinita Princess.

“Where is Kimmy?.Why is Kim Chiu absent yesterday & today in Showtime? We’re always happy when Kimmy is in Showtime.Hoping on Monday Kimmy’s birthday she will be in Showtime to celebrate her birthday with her fans,” komento ng isa niyang fan.

“Kakapasok lang ninyo sa showtime last thursday then friday and saturday wala ka why?” tanong ulit ng isa pa.

“Hope all is well with you… stay healthy and safe @chinitaprincess.. 🙏 we miss you on showtime!!!!” mensahe naman ng isa pa niyang tagahanga.

May mga nang-intriga rin na humuhulang baka may kinalaman ang mga sinabi ni Kim last Thursday na mayroong taga-Showtime na hindi siya tanggap pero wala na raw ito ngayon sa show, dahilan para manghula ang mga viewers and netizens kung sino ito.

“May effect comment ni kim during the meme vice bday greeting kase.yang slip of the tongue ang may sala. Learn to keep hidden what needs to be hidden kase @chinitaprincess.. Anyway… The show misses you na. Balik na. Wala na nga jhong, pati ba naman ikaw,” komento ng isang netizen.

Hula naman ng isa, “may dahilan yan kaya hindi sumipot sa showtime…sana maging maayos ang lahat kng meron man hindi pagkakaunawaan.”

Ang isa naman ay worried for Kim at nagtatanong kung okay lang ang aktres matapos ang pasabog nito. “Nagtataka lang ako kung bakit wala ka sa showtime…after mo na nareveal na may ayaw pala sayo na hosts sa showtime nag alala tuloy ako kung ok ka lang ba after mung nereveal yun…..pls update naman…isa akong avid fan since pbb…..” aniya.

Pero may mga humula rin namang baka may photoshoot or ibang commitment si Kim.

Sa Monday (April 19) ay kaarawan ni Kimmy at wish ng fans niya na sana ay mapanood na siya sa It’s Showtime.

Leave A Reply

Your email address will not be published.