Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SAP beneficiary, 8 pa huli sa drug bust

0 333

Kalaboso ang 9 na drug suspect, kabilang ang isang beneficiary ng Special Amelioration Program (SAP) makaraang ipuhunan ang kanyang nakuhang ayuda sa gobyerno sa pagtutulak ng droga at kumagat sa buy-bust operation sa Bulacan, kamakalawa.

Kinilala ang naarestong suspek na si Jonathan Galvez, ng Brgy. Tabang, Plaridel na nakumpiskahan ng P20,000 halaga ng shabu. Alas-kwarto Huwebes ng hapon nang magkasa ng buy-bust operation ang pulisya sa lugar ng suspek matapos makatanggap ng impormasyong nagtutulak ito ng droga kasama ang isa pang suspek matapos makatanggap ng ayudang P6,500.

Isang undercover agent ang nabentahan ng shabu ng suspek na kilala sa nasabing lugar sa alyas Athan kaya kaagad itong dinakip ng awtoridad.

Bukod sa suspek na si Galvez at kanyang kasama, pitong drug suspect pa ang nadakip sa mga bayan ng bayan ng Marilao, Sta. Maria, Norzagaray, at San Jose del Monte City at nakumpiska sa mga suspek ang kabuuang 11 pakete ng shabu at buy-bust money at nahaharap din ang mga ito sa kasong kriminal. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.