Abante Tonite Interactive

Sapat ang suplay ng karneng baboy, bigas

By ,
122

Tiniyak ng ­Department of Agriculture (DA) na may sapat na supply ng baboy sa bansa at walang magiging pagtaas sa presyo nito sa kabila ng ­ipinatupad na ban sa pag-import ng baboy at iba pang produkto mula dito na galing ng China, Poland, Latvia, Russia, Romania at Ukraine dahil sa African Swine Flu (ASF).

Ang ban ay una nang ipinatupad ng DA matapos magpalabas ng report ang World Organization for Animal Health na may outbreak ng ASF sa 6 na nabanggit na bansa.

Siniguro ng DA na walang kaso ng ASF sa bansa at ligtas ang mga baboy.

Sinabi naman ni Rosendo So, pangulo ng Samahan ng Industriyang Agrikultura, na walang nakikitang pagkukulang sa supply ng baboy kahit may umiiral na ban dahil may sapat na pork production sa bansa.

Bagama’t mayroong ban sa baboy dahil sa ASF ay hindi umano ito alintana ng mga ­mamimili, patunay dito ang malakas pa rin na bentahan nito sa palengke.

Samantala, iniha­yag naman ng Natio­nal Food Authority (NFA) na walang shortage ng bigas sa bansa sa kabila ng pagmamahal ng presyo nito.

Sa Alabang ­market kahapon, nasa P45 per kilo ang pinakamurang bigas maliban sa iisang stall na may P40 per kilo.

Mataas ito kaysa sa suggested selling price na P39 per kilo na itinakda ng DA.