Abante Tonite Interactive

Sapat pa ba ang bala ng Gilas?

383

May 10 araw na lang ang nalalabi bago sumabak ang Gilas Pilipinas sa kanilang ikalawang sunod na pagtungtong sa 18yj Fiba (International Basketball Federation) World Cup 2019, didribol sa darating na Aug. 31-Sept. 15 sa China.

Kaya tila mali ang timing ng pagkalagas ng kanilang apat na manlalaro.
Unang nadisgrasya si San Miguel sharpshooter Marcio Lassiter sa do-or-die game kontra NorthPort Batang Pier sa 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup 2019.

Nagtamo ng MCL sprain sa kanang tuhod si Super Marcio, at dahil dito ay inaasahang mawala ng anim na linggo, ‘di sapat para muling makabalik-aksyon bago mag-World Cup.

Sumunod naman na tumumba ay si longtime Gilas veteran Gabe Norwood na na-injure sa pakikibaka ng PH national team sa pocket tourney at tuneup games sa Spain.

Ngayon ay inanunsyo na maging sina slot man Poy Erram at gunslinger Matthew Wright ay mapupurnada rin ang ensayo dahil din sa injury.

Right ankle sprain ang naramdaman ni Erram, habang ang babantayan namang mabuti si Wright dahil siya ang inaasahang magiging primary gunner ng bansa ngayong wala si Lassiter, may foot injury.

Una nang sinabi ni Gilas mentor Yeng Guiao na shoo in na sa lineup ang tatlong kakagaling lang ng Finals na sina June Mar Fajardo, Roger Ray Pogoy at Jeth Troy Rosario kahit pa late na ito nakasama sa practice.

Malaki naman ang tsansa na makatungtong sina rookies CJ Perez at Robert Bolick sa Final 12 dahil sa namamagang injury list ng Gilas.

Sana lang ay nasa kondisyon na rin ang naturalized player na si Andray Blatche, dahil kung titingnan ang kanilang tuneup game sa Spain ay medyo wala pa sa game shape.