Abante Tonite Interactive

Sapatos ng senador ginaya ng bodyguard at staff

By
695

Sino daw itong miyembro ng Senado ang may kaparehong brand ng sapatos sa kanyang bodyguard at ilang staff?

Sa natisod na info ng Tonite, minsan daw kasing nagpasik­lab itong senador at ibi­nalandra ang mamahaling designer shoes na binili pa sa Tate.

Siyempre, tinernuhan niya ito ng mamahaling Amerikana at yoyo kaya naman nagmukha tuloy siyang kinatawan ng Beverly Hills hehe.

Ayos na sana ang pasiklab ng senador sa mga kaibigan kung hindi nagdatingan ang bodyguard at ilan niyang staff para alala­yan sana ang kanilang amo.

Suot din kasi nila ang kaparehong brand ng sapatos na tila sinadyang ipakita sa suot na bitin na pantalon.

Napagtawanan tuloy ang senador dahil magkakapareho ang suot nilang mag-amo, tila naging contestant tuloy sila sa PGT.

Sinenyasan tuloy ng senador ang kanyang bodyguard at staff na dumistansiya upang hindi sila matuksong kakanta o sasayaw sa contest.

Clue: Ang senador na ginaya ng bodyguard at staff ang suot na sapatos ay isa sa mayaman na miyembro ng Senado at may letrang M sa kanyang pangalan as in Mapera.