Abante Tonite Interactive

Sapatos sa kasal ni Mia Swier umeksena

By
207

Takaw-pansin ang suot na sapatos ni Mia Swier sa kasal nila ng Filipino/American actor na si Darren Criss. White boots ang pinili niyang suot habang naka-wedding dress. ‘Ika nga, comfort is key.

Trending ngayon ang nasabing white boots dahil kakaiba sa paningin ng netizens.

Anyway, sobrang saya ng bagong kasal sa importanteng araw nila.

Abante Hiring – IT dep

Pitong taon ding naging kasintahan ni Darren si Mia bago pinakasalan sa New Orleans nito ­lamang Sabado, Feb. 16. Star-studded ang nasabing kasalan na dinaluhan ng kanyang former “Glee” co-stars na sina Lea Michele, Chord Overstreet, Harry Shum Jr. at John Stamos.

Kapapanalo lamang ni Darren sa Screen ­Actors Guild Award at sa Golden Globe. Naiuwi rin niya ang tropeo sa Emmy Award for Outstanding Lead Actor in a Limited Series or Movie para sa mahusay niyang pagganap sa “Assassination of Gianni Versace: American Crime Story.”

Matatandaang Enero 19, 2018 inanunsiyo ni Criss ang engagement nila ni Mia kung saan ipinost niya ang sweet photo nila ng kanyang girlfriend.

Aminado naman ang aktor na may inang Pinay na mahirap ang pinagdaanan niyang paghahanda para sa pinaka-importanteng araw sa kanyang buhay.

“I wouldn’t recommend doing all this stuff at the same time,” pag-amin niya. “I’ve got a music festival, I’ve got records I’m still producing… I opened a bar. Wedding planning, yeah. It’s not a good time to be on this circuit, but hey! You know, when it rains, [it] pours. I don’t need an umbrella. I’m lo­ving it, man,” sambit niya.