Abante Tonite Interactive

Sapatos

684

Dear Dream Catcher:

Ask ko lang po about sa panaginip ng bf ko na habang naglalakad daw kaming dalawa b­iglang nasira ang sapatos niya. Kinuha ko raw ang sapatos at itinapon sa malayo. Ano po ang ibig sabihin nito?

Ghie

Ang panaginip tungkol sa sapatos ay kabilang sa mga common dreams. Ikinokonekta ito sa proteksyon.

Related Posts

Ang sapatos ay simbolo rin ng ng iyong katayuan sa buhay. Sa aktuwal na buhay, kapag mamahalin ang lagi mong suot na sapatos, maaring masabing mataas ang katayuan mo sa buhay dahil may kakayahan kang bumili ng mamahaling sapatos. Ganito rin naman ang sinisimbolo nito sa panaginip.
Ang sapatos ay kadalasan ding indikasyon na meron kang pinagpaplanuhan na bagong direksyon sa buhay.

Ang luma o sirang sapatos ay maari namang indikasyon na may kailangan kang i-repair sa iyong relasyon. Sinabi mong itinapon mo ang nasirang sapatos ng iyong boyfriend, hindi kaya indikasyon ito na may alinlangan ka sa inyong relasyon? Hindi kaya may ikinukonsidera kang pagtapos sa isang lumang sapatos para makabili ng bago? Kung ikukonek mo ito sa inyong relasyon, hindi kaya nais mo na ng malaking pagbabago?

Ang iyong panaginip ay maaari ring walang kinalaman sa iyong boyfriend at sa inyong relasyon. Puwede rin itong ikonek sa iyong career at isang pagbabagong ikinukonsidera mo.

Kung mas malapit na interpretasyon ang pagbabago ng career o trabaho, ang iyong panaginip ay maaring mensahe ng iyong isip na nagsasabing handa ka na nang pumasok sa malaking pagbabago. Handa mo nang itapon ang luma at pumasok sa bahong karera sa buhay.