Abante Tonite Interactive

SAPAW NA!

166

FEMALE singer masama ang loob sa kapwa singer dahil sa pananapaw!

Si singer #1 ay sumikat din naman here & abroad dahil sa taas ng boses niya.

Madalas, siya ang ipinapadala para lumaban sa larangan ng kantahan sa ibang bansa.

Minsan, lost siya pero marami siyang winning moment.

Si singer #2, super-taas rin ang boses na makabasag-ear drum. Madalas din siyang representative ng Pilipinas sa pataasan ng boses sa ibang bansa.

Minsan din siyang talunan pero nakakapag-uwi rin siya ng medal­yang ginto at tropeyong binili sa Raon, Manila.

Sikatuna Village (as in sikat!) ang dalawa at hanggang ngayon ay naririnig pa rin ang kanilang ginintuang boses sa radio,  at theme song sa mga teleserye.

Mabili sila sa mga corporate show, anniversary, kasalan at lamay ng patay.

Naimbitahan ang da­lawang bigating singer sa isang anniversary show ng kumpanyang gumagawa ng hopyang monggo at baboy.

May ka-join pa silang dalawang baguhang singer, na kilala na rin naman ng mga utaw.

May opening production number sila kaya pantay ang hatian ng kanta.

Si singer #2, gusto niya at ng manager niya na ‘yung mataas na part ng medley ay para kay singer #2.

Umokey naman ang lahat pati si singer #1.

Pero may request ulit si singer #2 na sa solo-solo song nila, siya ulit ang dulo.

Payag ulit ang dalawang baguhan pero si singer #1, nagsimangot na at kumuda na dapat pantay-pantay sila at walang maaagrab­yado.

Dedma si singer #2, ipinilit pa rin na siya ang finale at iyun ang masusunod.

Ang ending song, pinakialaman na naman ni singer #2. Ang gusto niya, gawing back-up singers na lang ang tatlo.

Doon nag-react nang todo-todo si singer #1. Ibinulalas niya ang kanina pang request ni singer #2 na pinagbibigyan lang nilang lahat  para matapos na lang din ang show.

‘Yung ending ng show, buo pa rin sila pero si singer #1, ibinuhos niya ang lahat ng kanyang galing sa pagkanta.

Naghumalimaw siya!

Mas tinaasan pa ni singer #1 ang dulo ng kanta.

Palakpakan ang lahat!

Sa bwisit ni singer #2, sinenyasan niya ang technician at pinaulit ang bandang dulo ng kanta para makabirit siya to the highest level.

Si singer #1, mangiyak-ngiyak sa likod at hindi na ito umepal pa.

At tuwing maaalala n’ya ‘yun, naiiyak pa rin siya sa inis kay singer #2.