Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sara-Bong pambato ni Digong

0 103

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pambato niya para sa 2022 elections ang tandem nina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at Senador Bong Go.

Sinabi ito ng Pangulo matapos ihayag sa publiko ang kanyang pagretiro sa politika nang samahan si Go sa paghahain nito ng certificate of candidacy (COC) kahapon para tumakbo sa pagka-bise presidente.

Lumutang ang posibleng Sara-Bong tamdem matapos ang maikling ambush interview kay Pangulong Duterte habang nasa isang shopping mall sa Makati City nitong Sabado ng hapon.

Binanggit ng Pangulo ang Sara-Go tandem subalit hindi naman sinabi kung kailan magsusumite ng COC ang anak na alkalde.

“Sara-Go na,” ang maikling pahayag ng Pangulo habang nasa Greenbelt kung saan ito dumiretso pagkatapos samahan si Go na maghain ng COC.

Matatandaang inihayag ng Pangulo na dapat isang Duterte lamang ang tatakbo sa national position.

Umatras na si Pangulong Duterte sa kanyang nominasyon para tumakbo sa pagka-bise presidente matapos mapakinggan aniya ang mga debate at saloobin ng mamamayan, bukod pa sa labag aniya sa Konstitusyon kapag tinuloy nito ang pagtakbo sa pangalawang pinakamataas na puwesto sa pamahalaan.

Samantala, naghain naman kahapon ng kanyang COC si Mayor Sara para tumakbo uli bilang alkalde sa Davao City. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.