Abante Tonite Interactive

Sara, Butch, Fernandez bubuksan ang Batang Pinoy-Mindanao leg

298

Aabangan ng nasa 3,500 kalahok na kabataan ang pagdating ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio upang pasinayaan ang opening ceremonies ng Batang Pinoy Mindanao Leg nga­yong alas-3 ng hapon sa Tagum City sa Davao del Norte Sports Complex.

Darating din para sa nasabing opening cere­monies si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez pati na sina commissioners Ramon Fernandez, Charles Maxey, Celia Kiram at Arnold Agustin.

Inaasahan ang muling pagpapakitang gilas ng Davao City sa nasabing palaro na kasama sa Exe­cutive Order No. 44 na nasa ilalim ng grassroots sports program ng PSC kung saan naglalayung ibilang ang mga kabataan na may edad 15-pababa pati ng ang mga out-of-school youth.

Abante Hiring – IT dep

Noong nakaraang Mindanao leg 2018, itinanghal na overall champion ang lalawigan ng Davao na ginanap sa Misamis Occidental kung saan ay nagwagi sila ng 54 golds, 29 silvers at 25 na bronze medals.

Gayunman, bilang host city ay hindi naman magpapahuli ang Tagum City bagama’t noong nakaraang taon ay pumuwesto sila sa ikalima sa kanilang 28-29-23 rekord na sisikapin naman na higitan nila ngayong pagsisimul­a ng 2019 Mindanao leg.