Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sara `di galit kina Digong, Bong Go

0 52

Binasag ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang katahimikan kaugnay sa alegasyong may hidwaan sila ni Senador Bong Go.

Nag-uusap aniya sila ni Go na matagal nang personal aide ng kanyang ama kaya walang katotohanan ang mga lumulutang na kuwento na may away sila ng senador.

“I do not hold a grudge against Senator Go concerning his relationship with PRRD. I am not the keeper of the President, he is allowed to have friends as I am,” sabi ng alkalde.

Binigyang-diin pa nito na wala siyang galit sa Pangulong Rodrigo Duterte o kay Go.

“I am not angry at President Duterte or Senator Bong Go nor I am envious of the power that they hold. The responsibility comes with power is exhausting, there is nothing to be jealous about it,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.