Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sara `di naintindihan national security – Trillanes

0 163

Kinontra ni dating senador Antonio Trillanes IV ang panukala ni vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na gawing mandatory ang military service para sa mga kabataang edad 18 taong gulang.

Ayon kay Trillanes, halatang walang alam ang alkalde sa isyu ng national security kaya hindi nito alam ang isinusulong niyang panukala.

“Sara Duterte’s mandatory military service proposal is wrong on so many levels. It shows her lack of understanding on national security matters,” tweet ni Trillanes.

Kapag muling makabalik sa Senado, tiniyak ni Trillanes na hindi palulusutin ang panukalang ito ni Duterte-Carpio.(Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.