Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sara-Isko patok sa 2022 election

0 697

Nangunang muli sa listahan ng mga posibleng kandidato sa pagka-pangulo sa 2022 national election si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.

Batay sa Pulse Asia survey na inilabas nitong Huwebes, nanguna ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 13 “probable presidential candidates” sa nakuhang 27 porsiyento.

Sinundan siya ni dating senador Bongbong Marcos sa 13%; pangatlo sina Senador Grace Poe at Manila Mayor Isko Moreno sa 12 porsiyento.

Pang-apat si Senador Manny Pacquiao (11%), Vice President Leni Robredo (7%), Senador Bong Go (5%), dating Vice President Jejomar Binay (3%), Senador Panfilo Lacson (2%) at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano (2%).

Pinaka-paborito si Duterte-Carpio sa Mindanao (60%) kasunod ang Visayas (21%) at Balance Luzon (17%).

Hindi siya gaanong gusto ng mga tinanong sa Metro Manila sa 12%.

Isko sa VP

Nangibabaw naman sa listahan ng mga posibleng vice presidential candidate si Moreno matapos na makakuha ng 16% boto mula sa mga respondent.

Tabla naman sa ikalawang puwesto sina Senador Manny Pacquiao at Mayor Sara sa 15%.

Pangatlo sina Senate President Vicente `Tito’ Sotto III at Marcos, na kapwa may 11%.

Isinagawa ang survey sa pagitan ng Pebrero 22 at Marso 3, 2021. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.