Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sara kinansela medical leave

0 134

Kinansela ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang medical leave of absence na nakatakda sa Oktubre 5 hanggang 8, mga huling araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC).

Sa panayam sa radyo, sinabi ng alkalde na hindi na matutuloy ang kanyang medical leave matapos na magpositibo sa coronavirus ang kasama niya sana sa pagbiyahe sa Singapore.

Matatandaang noong Abril ay nagpunta rin sa Singapore ang alkalde at nanatili roon ng limang araw para aniya sa “personal health management”.

SM food to go Banner Ad

Pangalawa umano iyon sa apat na naka-schedule na pagbisita niya sa naturang bansa.

Ang pagkansela ni Mayor Duterte ng kanyang medical leave ay ilang araw makalipas ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang tumakbo sa pagka-presidente ang anak at ka-tandem si Senador Bong Go na naghain na ng COC para sa pagka-bise presidente. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.