Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sara-Leni meeting ikinasa

0 91

Inaasahan na rin ang paghaharap nina outgoing Vice President Leni Robredo at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio.

Ito’y matapos kumpirmahin ni Duterte na nakatakda na siyang humingi ng initial meeting kay Robredo bilang bahagi ng paggulong ng transition process.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magpapadala umano ng liham ang kanyang kampo sa Office of the Vice President para makipag-ugnayan sa maayos na transisyon.

Gayunpaman, wala pa ring pinal na desisyon si Duterte kung saan siya mag-oopisina o kung gagamitin niya ang tanggapan ng OVP.

Bukod sa pagiging bise presidente, itinalaga rin ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. si Duterte bilang kalihim ng Department of Education. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.