Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sara `nagpabasbas’ kay Gloria

0 51

Nakipagkita si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kay dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nitong Miyerkoles.

Walang binanggit ang alkalde sa dahilan ng sabay nilang pagtatanghalian ni Arroyo sa isang hotel sa Maynila pero ayon sa isang news report sa telebisyon, ang pagkikita ng dalawa ay parte ng “continuing consultation” niya sa dating pangulo.

Nabatid na naroon din sa pagkikita nina Mayor Sara at Arroyo si Davao Occidental Governor Claude Bautista, na kapartido ng una sa Hugpong ng Pagbabago.

Matatandaang noong nakaraang linggo ay inihayag ng presidential daughter na bukas na siya sa pagtakbo sa 2022 presidential election. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.