Abante Tonite Interactive

Sara Roti lasang gas

0 198

Inireklamo ng netizen na si Gen G. Mdlnscy ang binili niyang Sari Roti Sandwich Delights Cheese-filled bread sa 7-11 sa Greenfield District sa Mandaluyong City noong August 19 dahil amoy at lasang gaas o plastic balloon.

Nag-message siya sa Sari Roti Philippines sa social media at nagpasalamat naman ang kompanya at ipinaalam ito sa kanya. Kaso, makalipas ang dalawang araw, hindi siya inaabisuhan kung ano na ang nangyari at hindi man lang ito nag-effort na makuha ang masamang tinapay sa kanya para masuri at malaman kung paano ito nag-amoy at naglasang gas.

Kahapon, hindi niya natiis ang pagwawalang bahala ng Sari Roti Philippines sa concern niya kaya hinayag na niya sa Facebook.

“Dear Sari Roti. This saddens me,” sabi ni Gen. “Reported this immediately after I recognized the odd taste upon eating this bread that morning I bought it. Then you tell me it’s too late to evaluate the product?” ayon sa kanya.

Hindi niya mawari kung paano maipaliliwanag ng Sari Roti Philippines sa kanya ang naging problema nang hindi man lang kinukuha ang sampol ng masamang tinapay.

Matapos ang isang linggo, sinagot siya ng Sari Roti Philippines na tinitingnan nito ang sampol na may parehong batch code na nasa kanila matapos matanggap ang reklamo.

“Currently, we are looking into the possible sources of the off taste and odor,” sabi sa kanya.

Naguluhan si Gen kung bakit hindi man lang binawi sa mga tindahan ang kaparehong produkto ng parehong batch ng Sari Roti Sandwich Delights Cheese-filled bread.

“Wow. You didn’t even bother to get the product I bought and have it evaluated. It’s really disappointing Sari Roti,” sabi ni Gen.

Sinumpa na niyang hindi na bibili ng anumang produkto ng kompanya pati na ang kanyang pamilya.

Sabi ng netizen na si Angeline Fajardo, “pinakamahal na loaf bread `yan sa grocery tapos ganyan lang pala. Thanks for the heads up.”

Hirit naman ni Yen Espinosa Verzosa, madalas silang bumili ng Sari Roti hanggang sa napansin nilang madami itong nilalagay na kemikal para mapalambot ang kanilang tinapay na maaari siyang dahilan kaya nag-amoy gas ito.

Tinanong ng Abante ang Sari Roti Philippines tungkol sa pangyayari ngunit hindi ito nagbigay ng pahayag. (Eileen Mencias)