Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sara tatakbo uli na mayor sa Davao

0 105

Luhaan ang mga supporter ng Sara Duterte for President matapos ianunsyo ng kanyang kampo na tatakbo uli sa pagka-mayor ng Davao City ang presidential daughter sa 2022 elections.

“Yes, this is confirmed. According to Mayor Sara, she will run for reelection as Davao City mayor,” pahayag ng tagapagsalita ng alkalde na si Liloan, Cebu Mayor Christina Frasco.

Kinumpirma rin ni Frasco na reelection din ang puntirya ng kapatid ni Mayor Sara Duterte-Carpio na si incumbent Vice Mayor Sebastian `Baste’ Duterte.

Nangunguna sa mga presidential survey si Mayor Sara ngunit sinabi nito na hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo kapag ituloy ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte ang vice presidential bid.

Idineklara na ni Pangulong Duterte na tinanggap niya ang nominasyon ng PDP-Laban na maging kandidato sa pagka-bise presidente sa 2022. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.