Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Sarado mga sementeryo sa Undas – MMDA

0 70

Kailangan nang dumalaw ng maaga sa puntod ng mga mahal sa buhay dahil posibleng ikandado ang lahat ng sementeryo sa Metro Manila sa parating na Undas.

Inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Jojo Garcia na pabor ang mga alkalde sa Metro Manila na ipasara lahat ng sementeryo sa All Saint’s Day at All Soul’s Day.

Ayon kay Garcia, magkakaroon sila ng pulong ng mga alkalde ngayong Linggo para makabuo ng mga polisya ukol sa pagsasara ng mga sementeryo.

“Base sa group chat namin, majority talaga. It will be unanimous,” sabi ni Garcia.

Una nang inanunsyo ni Mayor Isko Moreno na ipasasara ang mga sementaryo at kolumbaryo sa Manila simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3 para maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa nasabing mga lugar habang nararanasan pa ang pandemya dulot ng COVID-19.(Raymark Patriarca)

Leave A Reply

Your email address will not be published.